Sunday, February 03, 2008

EMAIL KO KAY LAILANI

SUBJECT: bwi-shit sila!!!

BODY:
nakakainis yung mga pilipinong matatandang kasama ko sa **** (my new work place)!!:

baket daw pa iba akong magsalita ng tagalog? saan daw ba ako lumaki at ilang taon daw ba ako nung tumira sa amerika? eh ano bang pakelam nila?! bwisit sila!!! buti nga hindi ako nagpe-pretend na hindi marunong magsalita ng sarili nating wikain eh (<-- naks naman lalim!).

tapos sabi nung isang ma-arteng gurang "oh, my kids were born in the philippines but they don't know how to speak tagalog anymore" ... like i give a shit!!! eh anong pakelam ko kung hindi nya tinuruan ng tagalog yung mga punyeta nyang anak?

ay nako nakaka-high-blood talaga. pasalamat sila at magalang ako sa mga matatanda noh!

miss na kita - wala akong kakampi dito. miss ko na rin ang mariner (my old work place where she also works), lalo na si cintra (matalik kong kaibigan sa trabaho; she's from trinidad sa south america. masarap kausap tunkol sa morals and values ng mga taong galing sa 3rd world country gaya namin).

nakakalunkot pag walang kakampi sa trabaho.

_____________________________________

ugh, nakakairita talaga ang mga pilipino dito amerika 'no?
pag at the same time gumagamit ako ng english at tagalog minsan nalilito at natataranta ako: hindi ko mapronounce ng mabuti ang mga tagalog words and to be honest pati na rin ang english words.
merong episode sa buhay ko na sa araw-araw ay hindi ako nakakasalita o nakakakinig ng tagalog. pero never kong nakalimutan ang salita. at ngayong marami na akong katrabaho na pilipino sa araw-araw ay dala-dalawang lenguahe ang ginagamit ko, at madalas ako ay nalilito sa pag pronounce ng ibang tagalog words. pero hindi ibig sabihin ay umaarte ako.
shempre fluent talaga ako sa tagalog lalo na pag nakakausap ako ng purong tagalog na tao (as in walang halong english) at pag nagbabasa ako ng mga tagalog na libro (nahahasa ang aking kaalaman sa tagalog). sa katunayan pag si lailani ang kausap ko at pag ang kasintahan namin (parehong hindi pilipino) ay nasa tabi namin at gusto naming pagusapan, talagang purong tagalog ang salita namin.
nakakainis lang talaga yung mga pilipinong kasama ko ngayon - masyadong mausisa tunkol sa pinanggalingan ko dahil lang sa pananalita ko. bwi-shit talaga sila!!

Sunday, October 14, 2007

LAKBAYIN ANG MUNDO

kadalasan pag ang isang tao ay nangangarap mag-bakasyon sa ibang bansa ang kaunahang bansa na naiisip nilang puntahan ay kung anu mang bansa ng mga taong puti - halimbawa ay ang mga bansa sa europa. hindi ka daw matuturingang "well-travelled" kung hindi ka pa nakakarating sa francia, italia, grecia, o inglaterra. pero sa aking mundo, hindi kita matuturingang well-travelled kung hindi ka pa nakakarating dito (angkor sa cambodia):



magsisimula na akong mag-ipon para makapagsimula na akong lakbayin ang mundo. magsisimula ako sa aking lupang hinirang:


---------------------------------------------- 'LIKA, SAMA KA!

Sunday, March 04, 2007

HINDI KUMPLETO

lumaki akong parating kinukumpara sa ibang mga bata.
"bat di mo gayahin si ..."
"bat di ka maging kagaya ni ..."
"bat hindi ka gumaya kay ..."

nakakainis. lumaki akong hindi kilala ang sarili ko dahil ang akala ko ay dapat gumaya sa ibang tao. madalas ako yung sabi nila ay dapat gumaya sa mas mabuti or mas magaling na bata. lumaki akong feeling inadequate. lumaki akong hindi kumpleto. parang parating kulang. ano man ang gawin ko, kulang parin. hindi ako nakukumpleto. nakakasawa na.

balang araw sana makilala ko ang sarili ko. sana mabuti syang tao. sana masaya sya. sana kumpleto sya.

Thursday, March 01, 2007

SAAN PATUNGO ANG LAKBAY NG AKING BUHAY

ang buhay nga naman. minsan nakakapagtaka kung saan patungo. noong kabataan ko ang akala ko ay magiging masaya ako pag nakahanap ako ng mabait at mapagmahal na kasintahan na makakasama ko sa habang buhay. masuwerte naman ako at nahanap ko sya noong 16-17 taong gulang ako. paglipas ng ilang taon ang akala ko naman ay magiging masaya ako pag nakahanap ako ng trabahong mataas ang sweldo. ang akala ko ay magiging masaya ako kung mabibili ko ang kung anuman ang gusto kong bilihin na walang pag-aalala sa pera. masuwerte naman ako at nadanasan ko rin yon nong matapos ko ang kursong pinili ng mommy ko para sa'kin. pero wala - hindi pa rin ako masaya. parang may kulang pa rin. hindi ko alam kung ano.

natutunan ko na hindi ko mahahanap ang kaligayahan sa mga materyales na bagay. natutunan kong maging kuntento at mapagsalamat sa kung ano mang meron ako; kasama ng leksion na ito ay napag-aralan kong huwag makinig sa opinion ng ibang tao kundi sa sarili kong opinion. natuto akong magdesisyon para sa sarili ko. paglipas ng maraming taon, paglipas ng maraming leksion, bagamat nasa tabi ko pa rin ang aking mapagmahal na kasintahan --- wala, hindi pa rin ako masaya. merong kulang, pero hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano.

matagal kong sinisi ang mga nakaraaan - akala ko, ang dahilan kung bakit hindi ako sumasaya sa buhay ay dahil sa pinanggalingan ko; sa mga kalungkutan na nadanasan ko nong maliit pa ako (maraming kwento tunkol don pero hindi na ako magsasayang ng oras para balikan pa ang storyang yon). nasayang ang maraming taon na ako ay galit sa sarili ko, sa pamilya ko, at sa pinanggalingan ko.

ang bagong leksion na aking pinag-aaralan: walang mangyayari sa'kin kung parati kong pagmamasdan ang nakaraan. pag nga naman naka-tutok ang isang tao sa nakaraan hindi nya makikita ang kinabukasan. pag hindi nakikita ng isang tao ang kanyang kinabukasan mawawalan sya ng pag-asa.

sa ngayon hinahanap ko ang daan patungo sa kinabukasan. ngayon naisip ko na kailangan kong patawarin ang sarili ko. matagal na akong galit. pagod na akong mag-alala tunkol sa kinabukasan ko. kailangan kong magpasalamt sa mga bagay na idinulot ng malunkot kong nakaraan - bagamat masakit, ay marami naman akong natutunan.

i have to move on.

Sunday, October 22, 2006

WALA AKONG PAKELAM. PERO HANGA LANG AKO SAYO KUNG ...

mahangin. wala akong respeto sa mga taong mahangin. wala akong pakelam kung magkano and sweldo mo. wala akong pakelam kung anong uso na brand name ang damit na suot mo. wala akong pakelam kung anong latest model ng acura, lexus, BMW, or mercedes benz and kotche mo. wala akong pakelam kung saan sophistikadong neighborhood ka nakatira, o kung gano kalaki ang bahay mo, at wala rin akong pakelam kung anu-anong mamahaling kagamitan ang laman ng bahay mo. wala akong pakelam kung gano man kataas ang tayo ng pamilya mo sa soceidad o kung bughaw man ang dugo mo. wala akong pakelam kung anong kurso ang natapos mo sa kolehiyo. wala akong pakelam kung ilang lenguahe ang natutunan mo. wala akong pakelam kung gano ka katalino, mas lalo na kung hindi mo napag-aralan ang gumalang or kumilala ng katauhan ng kapwa mo. wala akong pakelam sayo. 'tang ina mo!

mapapahanga mo lang ako sayo kung alam mo ang purpose ng buhay mo. mas mapapahanga mo ako kung matutulungan mo akong intindihin ang purpose ng buhay ko. hanga ako sayo kung naiintindihan mo ang ibig sabihin ng paghihirap na dinadanas mo o ang paghihirap ng bawat isang tao sa paligid mo. hanga ako sayo kung malakas ang loob mong labanan ang lungkot at hirap ng buhay. mas mapapahanga mo ako kung bagama't sobrang paghihirap man ang dinanas mo sa buhay ay nanatili kang matinong tao. mapapahanga mo lang ako kung maiituro mo sa akin ang lahat ng mga ito.

but until then, wala akong pakelam sayo. 'tang ina mo!

Sunday, September 24, 2006

'YAN NA NAMAN

so eto ako: medyo mataas ang level ng anxiety. dahil siguro sa test this week o baka talagang depress lang ako. ewan! nakakainis. ang daming defect sa buhay ko.
hopeless ang pamilya ko. madalang lang ang contact ko sa kanila pero parati na lang akong nag-a-alala tunkol sa kanila -("kamusta na kaya ang mommy ko?" "kawawa naman ang kuya ko," "i hope God is keeping my niece safe.")- nakakasawa kung minsan pero hindi ko mapigilan na mag-alala. wala naman akong magawa. and i know i have no control over the course of their lives. pero nagaalala pa rin ako.
parati na lang akong humihiling ng katahimikan. lots of times iniisip ko na sana ... sana talaga bigyan na ako ng pahinga. ang kawawa kong daniel; satisfied na sya basta lang nanjan ako sa tabi nya, meanwhile i'm here praying for rest. ang kawawa kong daniel, it's not fair to him.
parati kong pinagaaralan mga pinanggalingan ko - parang wala yata akong natututonan sa buhay ko. bakit ba ganon? sa kahulihan wala naman akong napapala kundi sama lang ng loob. nakakasawa kung minsan.
minsan hindi ko maipinta ang kinabukasan ko. hindi ko alam kung saan ako patungo. dyos na ang bahala sakin.

Saturday, September 02, 2006

SCENERY
habang nagja-jog ako sa lake shore park kanina nilitratohan ko ang mga buildings sa paligid. gusto ko sanang maging architect noon. minsan nagtataka ako kung ano-anong klaseng mga building na ang aking mga naitayo ngayon kung architechture ang aking pinili. mahirap daw makahanap ng trabaho bilang architect sabi ng mommy ko noong namimili pa lang ako ng college course. nakakapanghinayang.