Sunday, May 28, 2006

AN IMAGE FROM PHILIPPINE-AMERICAN WAR




"General Jacob H. Smith's infamous order, "Kill everyone over ten," was the caption in the New York Journal cartoon on May 5, 1902. The Old Glory draped an American shield on which a vulture replaced the bald eagle. Caption is: "Criminals because they were born ten years before we took the Philippines."

habang nagre-research ako ng philippine history, i came across this image. --- i dug it up and decided to shortly blog about it not to provoke anger or mistrust towards americans. i just thought that it's just one of the many examples of how people move on and forget. siguro hindi natin malilimutan ang holocaust incident. 6 million na mga hudyo afterall ang mga pinatay. indeed it is a larger scale of such atrocity towards humakind. pero mas maliit man ang numero ng mga batang pilipinong pinatay ng mga americano noong philippine-american war, bakit kaya nakalimutan na ng karamihan ang insidente na ito? curious lang ako.

at chaka, nabasa ko ito sa isang philippine history internet site:
"His (jose rizal's) death started a revolution under Andres Bonifacio. In 1898, United States won the war against Spain, and the Philippines declared its independence from Spain. Spain sold the islands to the United States. Emilio Aguinaldo was the first president of the Republic of the Philippines."

i'm sure na pilipino mismo ang sumulat nito. pero napansin nyo ba na hindi man lang na-mention ang philippine-american war pagkatapos ibenta ng mga espanol ang pilipinas sa america? parang hindi nangyari no? bakit kaya?

napaka-interesting. lahat ng tunkol sa historya ng pilinas: kung saan nanggaling ang mga ancestors at kung sino-sino ang nakainfluencia sa cultura. pero nakakapag-alala na masyado yatang malakas ang influencia ng mga taga kanluran (western). nakakapag-alala na baka makalimutan na ng mga kabataan ang tunay na cultura ng mga pilipino. westernized they say. westernized daw ang mga pilipino. kung westernized sila, and they're not anywhere from the west, then who and what really are they? identity crisis yata ang tawag don. minsan sa tingin ko parang hindi ako sigurado sa sarili kong identity. singkit ang aking mga mata pero espanol ang aking pangalan at lahat ng aking mga kamag-anak. medyo nao-offend pati ako pag tinatawag nila akong "americanized" dahil pag ang isang tao ay americanized ang ibigsabihin non eh nakalimutan na nya ang tunay nyang cultura. medyo nakaka-ilang pati pag nagsasalita ako ng tagalog at every other word ko ay english at parating nangangapa ng words ("ah, yung ano, ano bang tawag don?"). marami akong mga tanong at mga frustration tunkol sa aking cultura. pero hindi ko pa gaanong naso-sort out. i should blog about them some other time.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home