Friday, June 30, 2006

ANG MGA NAKARAAN

napaginipan ko kahapon si van, una kong boyfriend. hindi ko gaanong maalala yung mga details ng panaginip. i remember feeling like i still was his girlfriend. napaka tagal na nong panahon na yon. 14 years old lang ako noon. medyo nagising ako at pagmulat ng aking mga mata ay si daniel ang una kong nakita. i was happy that he was the one i found lying right next to me.

hindi ako sigurado kung bakit buong araw kahapon ay naisip ko si van. mahigit na sampung taon na ang nakaraan noong huli ko syang nakausap sa telepono. hindi nagwo-work out ang long distance relationship namin noon kaya tumawag ako sa kanya at nagpaalam. closure kung baga.

sya ang nagbigay ng una kong halik. nakakatawa ngayong naiisip ko. 14 lang ako noon. anong kinalaman ko sa "relasyon?" nakakatawa. pagka nga naman ganoon ka kabata hindi mo namamalayan kung gaano ka kaimmature. pero medyo malinaw pa sa aking ala-ala noong paniwalang-paniwala talaga ako na mahal na mahal ko sya. natatawa na lang ako ngayong naiisip ko.

we never got in touch. tinapon ko lahat ng sulat nya sakin pati na rin ang phone number nya. ni-e-mail wala. hindi ko na alam kung nasan sya ngayon or kung anong kurso ang pinili nyang tapusin sa kolehiyo. naalala ko noon na nagaaral sya ng computer engineering dahil yon ang gusto ng daddy nya para sa kanya pero gusto nyang maging teacher. noong araw na napaginipan ko sya, pag gising ko i remember thinking na sana napili nya ang gusto nyang buhay.

so kahapon i was fixated on trying to find out kung ano na ang nangyari sa kanya. sinubukan ko pa nga syang hanapin sa friendster. bakit kaya? dahil siguro kahit saglit lang eh naging parte sya ng buhay ko. maraming mga taong naging parte ng buhay ko na kung minsan ay naiiisip ko on silent moments. gaya ni janet viduya (na hinanap ko rin sa friendster); mabait at tahimik na bata. best friend ko noong grade 3 or 4 ako na tinalikuran ko dahil gusto kong makisama sa grupo na medyo mas "cool" kung baga (i never really was cool though, ako yung parating tawanan ng ibang mga estudyante). pati na rin si randolph (hindi ko sya mahanap sa friendster dahil nakalimutan ko ang last name nya), hindi ko maalala kung anong grade ko sya naging kaibigan, naalala ko lang na parati kaming nagtatawanan noon and our friendship was very very short, pero tinalikuran ko rin sya dahil ... ewan ko ba, basta na lang hindi ko na sya pinansin lalo na noong highschool na kami. napansin kong loner yung batang yon. ngayong naiisip ko na, naaawa ako. i wish i knew then how to be a good friend. marami akong mga tinalikuran. pati na rin yung mga talagang naturingan kong kaibigan noong highschool. yan ang pattern ng buhay ko. bakit kaya ganon? bakit kaya parati nalang akong lumalayo sa mga tao at naghahanap ng sarili. on many silent moments naaalala ko sila. lahat sila, mga taong naging parte ng buhay ko na tinalikuran ko. i guess ngayon pinagsisisihan ko. pero hindi ko pa rin mapilit ang sarili kong balikan at ituloy ang friendship sakanila. hindi dahil sa may kasalanan sila sakin. ako lang talaga ang may problema, hindi ko lang talaga alam kung bakit. takot siguro ako. takot ng kung ano, eh hindi ko masabi. isa pang nakakainis tunkol sa aking sarili ay magaling akong mag-pretend na okay lang ako everytime i try to rekindle a friendship with someone. pero ang katotohanan sa loob-loob ko ay takot akong mapalapit ulit sakanila. but gosh, ang galing kong magpretend. sobrang galing na napapaniwala ko silang mabait akong kaibigan. i genuinely cared for each and every one of them though. i'm just sorry na hindi ako marunong maghandle ng friendships. hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. pero kung saan man sila naroroon sana maligaya sila sa buhay nila.

nakalipas na ang maraming panahon. marami na akong napag-aralan sa buhay. pero hanggang ngayon ay iyon pa rin ang gawain ko; lumalayo sa mga taong naging malapit sakin. si daniel lang ang nagbigay pasensya sa lahat ng dysfunctions ko. hindi ko in-expect na 11 years later ay nandito pa rin sya sa tabi ko. lahat ng tao sa buhay ko ini-expect ko na iiwanan din nila ako. and in my lifetime many people, indeed, left me. rejection issues, i think ang tawag don. pero si daniel lang ang nanatili sa tabi ko. kahit pala pano ay masuwerte rin ako.

Friday, June 09, 2006

MGA LITRATO



mga alaga ko: isang rottweiler at isang puertoricano


xbox araw at gabi


mga pamangkin namin. trinity and kyla.


habulan sa bahay ng mga biyenan


kyla at ang kanyang electronic bubble blower

ay, oo nga pala. dumating na yung mga libro na sinulat ni bob ong, na inorder ko online. kaya lang wala yung una nyang libro dahil out of stock daw. exited pa naman akong basahin yon dahil sabi nila mas pinaka-interesante daw iyon. so yung pangalawang libro ang aking binabasa, "bakit baligtad magbasa ng libro ang mga pilipino?" --- at kung napapansin nyo medyo mas mabuti na ang aking pagsusulat ng tagalog dahil nagbabasa ako ng tagalog araw-araw. bumabalik sa aking memorya. maraming mga bagay na nabanggit ang author tunkol sa mga pilipino na bagamat nakakasakit ng loob, ay totoo naman. --- nagbabalak akong i-blog pag natapos ko ng basahin lahat ng libro.

Sunday, June 04, 2006

SOMETHING TO THINK ABOUT

so adik nga ako sa youtube.com. wala akong ginawa kanina kundi maghanap ng mga pilipino na clip. nahanap ko itong mga clip na 'to. though one would find their message somewhat vague, they explain a lot to me. naiintindihan ko ng mabuti. they make me look at myself with nothing but pure honesty. magandang pakiramdam. walang kunwarian. walang peke. masarap sa pakiramdam ang kilalanin muli ang aking sarili.

assimilation:



finding maria:



hinihintay kong dumating yung mga librong binili ko online (lahat tunkol sa buhay, politika, at historya ng mga pilipino) mga ni-suggest ng mga kababayan ko who come to leave comments on my xanga. magsisimula ng ulit ang school days next week. sana naman dumating yung mga libro bago magpasukan ulit.