Friday, July 21, 2006

FRUSTRATIONS AND ANXIETIES.

... araw-araw na lang. nakakasawa na. isa lang ang hinihiling ko: to be fearless. ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang takot ko sa buhay? bakit ba ganon? buong buhay ko nang iniisip kung pano ako makakawala sa sarili kong kulungan. isang kabanata na naman ng buhay ko ang nagtatapos. sana naman sa susunod ay maintindihan ko na, makuha ko na, ma-get ko na. sana naman sa susunod ay makalma ko na ang loob at isipan ko. pagod na kasi ako. halos buong buhay ko na lang sinusubukan intindihin ang buhay ko, pero hindi ko magawa. halos buong buhay ko na lang ako naghahanap ng katahimikan, pero hindi ko makita. pagod na ako. kelan kaya Nya ako bibigyan ng pahinga? nakakainis kung minsan dahil ayaw kong sumuko pero minsan talaga hindi ko kaya. kung minsan sa pakiramdam ko ay malapit ko ng mahanap (kung ano man yong punyetang hinahanap ko) pero just as when ina-akala kong malapit na malapit na, i'm left with nothing but more pieces to the fucking puzzle that is my life. panibagong araw na naman ang magsisimula pag gising ko sa umaga. hanging on becomes more and more difficult. pero pag nagising pa ako bukas, siguro naman ang ibig sabihin non ay makakaya ko pa. punyeta talaga! bakit ba ganyan ang buhay? isa lang ang hinihiling ko: to be fearless. para madaling labanan kung ano man ang haharapin ko sa kinabukasan. i get so tired of being scared.

ang kawawa kong daniel. he tries his best to make me feel loved and that i belong. and everytime he does parang parati akong wala sa sarili. the truth is that i feel detached from myself. how can one feel loved when she's not even there to recieve love (if that even makes sense). how can something as simple as "being present" be so damn hard? "being present - right here, right now, at this moment." bakit ba hindi ko makuha-kuha? bakit ba parati na lang akong nawawala sa sarili? ang hirap intindihin. but i know one day i have to "get it." i just don't know where to start. ang hirap talaga pag sarili mong isipan ang kalaban mo; pag sarili mong isipan ang kulungan mo. habang buhay kang maghahanap ng paraan kung pano ka makawala, kung pano ka makakatakas. my poor guy. he tries his best. i feel sorry that he's stuck with someone like me.

isang araw na naman ang magsisimula bukas. ano na naman kaya ang gagawin ko sa buhay ko?