Friday, August 25, 2006

TIME OUT SA PARK AT ABSTRACT WRITING

nagjog ako sa lake shore park kanina. medyo naiinis dahil wala ng ginawa si daniel kundi maglaro ng kanyang video games. these days (now that i'm older) hindi na ako basta-basta nagagalit. this time sinusubukan ko munang umalis ng apartment at mag-isip. i drove to the park feeling irritated. pag nagiisa naman ako para magisip lalo lang ako naiinis. minsan wala rin akong napapala. in the end umuuwi rin akong feeling pissed.

tandaan ang araw na to --- mixed emotions (worries about family and where i'm heading) --- bumped into my brother and my niece kyla in the park --- brief breeze of cool refreshing air ---- unusual sense of peace and gratitude inside --- validation that he's listening to my prayers afterall ---- let go and just let him (it's ok not to know) ---> pasensya na sa abstract writing. wala kasing oras i-explain further.

Friday, August 18, 2006

LARO TAYO

sinundo ko si kyla kanina. pamangkin ko. ayaw ko kasing mag-isa magjogging sa park so sinama ko na lang si kyla para makapaglaro sya. miss ko na rin pati sya. nag-bike sya, ako naman tumakbo. it was perfect. nag punta rin kami sa beach at dinala ko sya sa play ground. ang mga bata talaga hindi nauubos ang energy. samantalang ako isang oras pa lang pagod na. pero nag-enjoy naman sya.

nakakatuwang pagmasdan ang paglalaro ng mga bata no? nakaka-aliw ang kanilang tawa.

kyla nagsasayaw sa kotche:












friday ngayon pero pareho kaming pagod ni daniel kaya nanatili na lang kami dito sa apartment at hindi lumabas. wala naman pati movies na gusto naming panoorin.

Monday, August 14, 2006

MAPA NG PILIPINAS

tuwing may nakikilala akong taga ibang parte ng pilipinas and tanong ko parati ay "gaano kalayo yon sa maynila?" maynila ang measuring point ko dahil almost half my life ay doon ako lumaki. ang tagal kong narealize na talaga palang wala akong idea kung saan-saan sa parte ng pilipinas ang mga madalas kong nakikinig na probinsha gaya ng batanggas, leyte, cavite, o kaya davao. naghanap ako ng medyo decent na mapa ng pilipinas at nagbabalak pag-aralan. kagulat-gulat na ang davao pala ay sa mindanao (way, wayy south). pinagmasdan kong mabuti ang luzon at nagisip kung saan ang mga lugar na narating ko dati noong maliit pa ako. naalala ko na parati akong kasama (pati na rin ang aking mga pinsan) ng lolo at lola namin sa tarlac (probinsha ng lolo ko) at parati rin kaming dumadaan sa angeles. magkatabi lang pala yon mga lugar na yon. i remember being amazed na ang lolo ko ay marunong magtagalog, magilocano at mag ... ano nga yung lenguahe na ginagamit ng mga taga angeles? anyway, ang probinsha ng mommy ko ay atimonan, quezon. madalas din kaming magpunta doon nong maliit pa ako. at doon din yata ako nag-grade 3 pero nagtransfer pabalik sa maynila. nakarating na rin ako sa baguio at kung saan man yung 100 islands pero bata pa ako noon. halos hindi ko na maalala. yon na yata ang pinakamalayo kong narating. nakakainggit yung mga nagkaroon ng pagkakataon na libutin ang buong pilipinas. ang mga ibang dayuhan nga nalilibot ang pilipinas. ako kulang sa travel experience ng sarili kong bansa. the last time na umuwi ako sa 'pinas ay 1999 10 days lang yata ako doon dahil inilibing lang ang lolo ko. never pa akong nakauwi para lang mamasyal at magbakasyon. sana balang araw malibot ko rin ang pilipinas. gusto kong magtravel. yon ang gusto kong gawin sa buhay. kaya lang ang dami ko pang responsibilidad ngayon. kung magdecide akong tutuloy sa medical school at magaral ng medicine another 8 years pa ng pag-aaral ang kailangan kong gawin. walang oras sa pagtravel. minsan talaga sa buhay kailangan mong mamili kung saan ka tutungo. mahirap nga lang mamili. hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado. ano ba yung common na ugali ng mga pilipino --- "bahala na syndrome" ba yon? naiintindihan ko kung bakit madaling umasa sa bahala na syndrome. but it's something i know i shouldn't get used to. alam ko na balang araw (perhaps soon) eh kailangan ko talagang mamili. and i have to really believe (i really need to grasp the concept) na kahit anong piliin ko, ay 'yon ang tamang choice. the whole reason why i get so afraid to choose dahil natatakot akong magkamali. so eto ang susunod kong pagaaralan sa buhay: mamili at maging masaya sa pinili. dahil kung ano man ang pipiliin ko ay yon ang gusto ng dyos para sakin. o diba? that's another wisdom i think i'll keep.

eto ang una kong attempt sa pagsulat ng purong tagalog. last year pa yon. as you can see, hindi ako nagtagumpay. pero natutuwa naman ako na mas okay na ko ngayon; medyo mas better quality na ang pagsusulat. ahem, makapal ba?. "pilipino ako. yon ang cultura ko. pinagmamalaki ko." :)

Monday, August 07, 2006

MGA NATUTUNAN SA BUHAY

off ko bukas sa trabaho kaya eto nagpupuyat ako ngayon. nakatulog kasi ako kaninang hapon pag uwi ko galing trabaho kaya ngayon hindi na ako makatulog. nagdecide na lang ako na magblog sa tagalog. tatlo ang mga blogs ko. depende lang sa mood ko kung saan ko gustong mag-blog. lately mas nagugustuhan ko itong blog na 'to dahil napapansin kong mas nagpapakototoo (<--- naks, big word!) ako at medyo mas nacha-challenge ko ang deeper side of me pag dito ako sumusulat; bagama't hindi ko pa talagang gaanong nae-express ng mabuti ang gusto kong sabihin nasisiyahan naman ako na kahit papano ay nasusubukan ko.

so lately napagisip isip ko na medyo nakapanghihinayang (<-- naks, another big word! g'leng, g'leng! hahaha) na hindi ko man lang na-experience ang college life sa 'pinas na kung saan ang responsibilidad lang ng mga estudyante ay mag-aral at maglakwacha. pero sanay na naman ako sa lifestyle kong 'to: aral at trabaho. common ang lifestyle na 'to dito. kahit sino, kahit anong lahi, kahit anong edad ganito ang lifestyle nila kung gusto nilang umasenso. 'lam mo naman dito sa 'merica, ini-emphasize ang independence simula kabataan. kanya-kanyang diskarte lang kung pano makakarating sa gustong paroonan.

mga 19 years old ako noong una akong umalis (or should i say "lumayas") sa bahay. ayoko ng gaanong i-explain kung bakit dahil ayokong nagli-linger sa memory lane/nakaraan; pero in short, maraming problema sa bahay noon - hindi ko kaya, so umalis ako. naiisip ko na ngayon na ang pag-alis ko ng bahay sa edad na yon ay isa sa mga "turning point" ng buhay ko; natuto akong mabuhay ng sarili, mag-isip, magdesisyon ng mag-isa. don ako natutong dumiskarte kung pano ko patatakbohin ang buhay ko. syempre sa umpisa mahirap, lalo na sa pag-balance ng trabaho at eskwela. meron time na ang tagal kong hindi nakabalik sa pag-aaral dahil sa mga responsibilidad ko bilang "independent adult" (otherwise known as bills). masakit sa loob na huminto ako sa pagaaral pero i had to do what i had to do: kinailangan kong buhayin ang sarili ko. masakit man sa loob ko noon, i guess in retrospect, nagpapasalamat ako sa experience na yon dahil doon ko natutunan ang importance ng maging independent. mas "head strong" ako ngayon dahil sa experience na yon. ang buhay talaga, hindi mo namamalayan na ang mga paghihirap na dinadanas ay syang mismo na magpapalakas sayo.

kaya lang minsan naiisip ko ang dahilan kung bakit hindi ako malapit sa pamilya ko ay ang pag-alis ko noon. pero kahit naman dati hindi "tight knit" ang structure ng pamilya namin. 'lam mo naman ang cultura ng mga pilipino: sama-sama dapat kayo habang buhay. pero instead, natutunan kong lumayo at mag-isa. yon ang conflict ko sa pamilya ko. sama-sama daw sa bahay at tulong-tulongan, pero pano matututo ang kuya kong mag-isa kung parating tutulungan. sinubukan kong pagbigyan ulit ang mommy at kuya ko, bumili kami ng bahay at nagsamasama ulit. pero hindi rin ako nakatagal. aaminin ko, hindi ko kayang kasama ang pamilya ko. ibang iba ang mga idealogy nila kesa sakin. hindi naman dahil sa "westernized" ang mga ideologies ko, pero wala naman masama kung susundan ko ang mga sarili kong natutunan ko sa buhay diba?

marami man akong natutunan sa buhay inaamin ko na marami din akong mga issues na dapat kong harapin. i try to make a conscious decision to change the bad ways i percieve things. i have a lot to work on. there's a part of me na level-headed at calmado pag nagpa-panick ako and everything else around me is in chaos - i take comfort in the thought na yung "calm" part of me is god leading me and still holding on to me. it's comforting to know na bagamat hindi ako gaanong relihiyosa (though i know that i have to work on my spirituality and relationship with god) na hindi pa ako iniiwanan ng dyos.