Monday, August 14, 2006

MAPA NG PILIPINAS

tuwing may nakikilala akong taga ibang parte ng pilipinas and tanong ko parati ay "gaano kalayo yon sa maynila?" maynila ang measuring point ko dahil almost half my life ay doon ako lumaki. ang tagal kong narealize na talaga palang wala akong idea kung saan-saan sa parte ng pilipinas ang mga madalas kong nakikinig na probinsha gaya ng batanggas, leyte, cavite, o kaya davao. naghanap ako ng medyo decent na mapa ng pilipinas at nagbabalak pag-aralan. kagulat-gulat na ang davao pala ay sa mindanao (way, wayy south). pinagmasdan kong mabuti ang luzon at nagisip kung saan ang mga lugar na narating ko dati noong maliit pa ako. naalala ko na parati akong kasama (pati na rin ang aking mga pinsan) ng lolo at lola namin sa tarlac (probinsha ng lolo ko) at parati rin kaming dumadaan sa angeles. magkatabi lang pala yon mga lugar na yon. i remember being amazed na ang lolo ko ay marunong magtagalog, magilocano at mag ... ano nga yung lenguahe na ginagamit ng mga taga angeles? anyway, ang probinsha ng mommy ko ay atimonan, quezon. madalas din kaming magpunta doon nong maliit pa ako. at doon din yata ako nag-grade 3 pero nagtransfer pabalik sa maynila. nakarating na rin ako sa baguio at kung saan man yung 100 islands pero bata pa ako noon. halos hindi ko na maalala. yon na yata ang pinakamalayo kong narating. nakakainggit yung mga nagkaroon ng pagkakataon na libutin ang buong pilipinas. ang mga ibang dayuhan nga nalilibot ang pilipinas. ako kulang sa travel experience ng sarili kong bansa. the last time na umuwi ako sa 'pinas ay 1999 10 days lang yata ako doon dahil inilibing lang ang lolo ko. never pa akong nakauwi para lang mamasyal at magbakasyon. sana balang araw malibot ko rin ang pilipinas. gusto kong magtravel. yon ang gusto kong gawin sa buhay. kaya lang ang dami ko pang responsibilidad ngayon. kung magdecide akong tutuloy sa medical school at magaral ng medicine another 8 years pa ng pag-aaral ang kailangan kong gawin. walang oras sa pagtravel. minsan talaga sa buhay kailangan mong mamili kung saan ka tutungo. mahirap nga lang mamili. hanggang ngayon hindi pa rin ako sigurado. ano ba yung common na ugali ng mga pilipino --- "bahala na syndrome" ba yon? naiintindihan ko kung bakit madaling umasa sa bahala na syndrome. but it's something i know i shouldn't get used to. alam ko na balang araw (perhaps soon) eh kailangan ko talagang mamili. and i have to really believe (i really need to grasp the concept) na kahit anong piliin ko, ay 'yon ang tamang choice. the whole reason why i get so afraid to choose dahil natatakot akong magkamali. so eto ang susunod kong pagaaralan sa buhay: mamili at maging masaya sa pinili. dahil kung ano man ang pipiliin ko ay yon ang gusto ng dyos para sakin. o diba? that's another wisdom i think i'll keep.

eto ang una kong attempt sa pagsulat ng purong tagalog. last year pa yon. as you can see, hindi ako nagtagumpay. pero natutuwa naman ako na mas okay na ko ngayon; medyo mas better quality na ang pagsusulat. ahem, makapal ba?. "pilipino ako. yon ang cultura ko. pinagmamalaki ko." :)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home