Monday, August 07, 2006

MGA NATUTUNAN SA BUHAY

off ko bukas sa trabaho kaya eto nagpupuyat ako ngayon. nakatulog kasi ako kaninang hapon pag uwi ko galing trabaho kaya ngayon hindi na ako makatulog. nagdecide na lang ako na magblog sa tagalog. tatlo ang mga blogs ko. depende lang sa mood ko kung saan ko gustong mag-blog. lately mas nagugustuhan ko itong blog na 'to dahil napapansin kong mas nagpapakototoo (<--- naks, big word!) ako at medyo mas nacha-challenge ko ang deeper side of me pag dito ako sumusulat; bagama't hindi ko pa talagang gaanong nae-express ng mabuti ang gusto kong sabihin nasisiyahan naman ako na kahit papano ay nasusubukan ko.

so lately napagisip isip ko na medyo nakapanghihinayang (<-- naks, another big word! g'leng, g'leng! hahaha) na hindi ko man lang na-experience ang college life sa 'pinas na kung saan ang responsibilidad lang ng mga estudyante ay mag-aral at maglakwacha. pero sanay na naman ako sa lifestyle kong 'to: aral at trabaho. common ang lifestyle na 'to dito. kahit sino, kahit anong lahi, kahit anong edad ganito ang lifestyle nila kung gusto nilang umasenso. 'lam mo naman dito sa 'merica, ini-emphasize ang independence simula kabataan. kanya-kanyang diskarte lang kung pano makakarating sa gustong paroonan.

mga 19 years old ako noong una akong umalis (or should i say "lumayas") sa bahay. ayoko ng gaanong i-explain kung bakit dahil ayokong nagli-linger sa memory lane/nakaraan; pero in short, maraming problema sa bahay noon - hindi ko kaya, so umalis ako. naiisip ko na ngayon na ang pag-alis ko ng bahay sa edad na yon ay isa sa mga "turning point" ng buhay ko; natuto akong mabuhay ng sarili, mag-isip, magdesisyon ng mag-isa. don ako natutong dumiskarte kung pano ko patatakbohin ang buhay ko. syempre sa umpisa mahirap, lalo na sa pag-balance ng trabaho at eskwela. meron time na ang tagal kong hindi nakabalik sa pag-aaral dahil sa mga responsibilidad ko bilang "independent adult" (otherwise known as bills). masakit sa loob na huminto ako sa pagaaral pero i had to do what i had to do: kinailangan kong buhayin ang sarili ko. masakit man sa loob ko noon, i guess in retrospect, nagpapasalamat ako sa experience na yon dahil doon ko natutunan ang importance ng maging independent. mas "head strong" ako ngayon dahil sa experience na yon. ang buhay talaga, hindi mo namamalayan na ang mga paghihirap na dinadanas ay syang mismo na magpapalakas sayo.

kaya lang minsan naiisip ko ang dahilan kung bakit hindi ako malapit sa pamilya ko ay ang pag-alis ko noon. pero kahit naman dati hindi "tight knit" ang structure ng pamilya namin. 'lam mo naman ang cultura ng mga pilipino: sama-sama dapat kayo habang buhay. pero instead, natutunan kong lumayo at mag-isa. yon ang conflict ko sa pamilya ko. sama-sama daw sa bahay at tulong-tulongan, pero pano matututo ang kuya kong mag-isa kung parating tutulungan. sinubukan kong pagbigyan ulit ang mommy at kuya ko, bumili kami ng bahay at nagsamasama ulit. pero hindi rin ako nakatagal. aaminin ko, hindi ko kayang kasama ang pamilya ko. ibang iba ang mga idealogy nila kesa sakin. hindi naman dahil sa "westernized" ang mga ideologies ko, pero wala naman masama kung susundan ko ang mga sarili kong natutunan ko sa buhay diba?

marami man akong natutunan sa buhay inaamin ko na marami din akong mga issues na dapat kong harapin. i try to make a conscious decision to change the bad ways i percieve things. i have a lot to work on. there's a part of me na level-headed at calmado pag nagpa-panick ako and everything else around me is in chaos - i take comfort in the thought na yung "calm" part of me is god leading me and still holding on to me. it's comforting to know na bagamat hindi ako gaanong relihiyosa (though i know that i have to work on my spirituality and relationship with god) na hindi pa ako iniiwanan ng dyos.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home