Sunday, September 24, 2006

'YAN NA NAMAN

so eto ako: medyo mataas ang level ng anxiety. dahil siguro sa test this week o baka talagang depress lang ako. ewan! nakakainis. ang daming defect sa buhay ko.
hopeless ang pamilya ko. madalang lang ang contact ko sa kanila pero parati na lang akong nag-a-alala tunkol sa kanila -("kamusta na kaya ang mommy ko?" "kawawa naman ang kuya ko," "i hope God is keeping my niece safe.")- nakakasawa kung minsan pero hindi ko mapigilan na mag-alala. wala naman akong magawa. and i know i have no control over the course of their lives. pero nagaalala pa rin ako.
parati na lang akong humihiling ng katahimikan. lots of times iniisip ko na sana ... sana talaga bigyan na ako ng pahinga. ang kawawa kong daniel; satisfied na sya basta lang nanjan ako sa tabi nya, meanwhile i'm here praying for rest. ang kawawa kong daniel, it's not fair to him.
parati kong pinagaaralan mga pinanggalingan ko - parang wala yata akong natututonan sa buhay ko. bakit ba ganon? sa kahulihan wala naman akong napapala kundi sama lang ng loob. nakakasawa kung minsan.
minsan hindi ko maipinta ang kinabukasan ko. hindi ko alam kung saan ako patungo. dyos na ang bahala sakin.

Saturday, September 02, 2006

SCENERY
habang nagja-jog ako sa lake shore park kanina nilitratohan ko ang mga buildings sa paligid. gusto ko sanang maging architect noon. minsan nagtataka ako kung ano-anong klaseng mga building na ang aking mga naitayo ngayon kung architechture ang aking pinili. mahirap daw makahanap ng trabaho bilang architect sabi ng mommy ko noong namimili pa lang ako ng college course. nakakapanghinayang.