Tuesday, May 23, 2006

WEEKEND RECAP

ewan ko kung anong nangyari sa computer. ayaw i-load yung mga litrato na kinuha ko. sayang. pero ilo-load ko pag naayos ni daniel yung 'puter.

biyernes: pinanood namin ang da vinci code kasama ang pamilya ni daniel. ang nagustohan ko sa pelikulang ito ay yung adventure at mystery. kaya lang meron mga details na hindi gaanong naipaliwanag kaya may mga tanong na walang sagot pagkatapos ng pelikula. maganda rin yung pagkagawa pero hindi nag-live up to my expectations. sa tingin ko ay nadala lang sa "hype" at popularity ng libro ni dan brown. sa sobrang popular ng libro eh meron akong kilalang mga tao na normally eh hindi nagbabasa ng libro pero yung da vinci code binasa nila. hah! pop culture whores, is what i call these people. pero pagkatapos kong panuorin yung pelikula naisip ko na sana nabasa ko yung libro dahil talagang maganda, thought-provoking, at kakaiba yung storya. wala naman akong oras magbasa ng ibang libro kundi text books at self-help books lang. mas napipili kong magbasa ng medical type, non-fictional, at soul searching na libro kung magkaron man ako ng oras na magbasa. anyway, yon na yon. at oo nga pala, sa entrance ng sinehan na pinuntahan namin ay merong mga tao na nag-rally. meron silang salang placard na nagsasabing, "we love jesus christ. reject da vinci code." natawa lang ako. pakalabas namin ng sinehan eh wala na sila. sayang, gusto ko pa naman sabihin sa kanila na maganda yung movie.

sabado: nag-punta kami ni daniel sa k-mart at bumili ng mga bagay na para sa banyo namin. pagkatapos sinundo namin si kyla (pamangkin ko, 2 1/2 yrs. old) at nanood naman kami ng over the hedge(cartoon type movie). pangalawang beses ng nakanood sa sinehan si kyla. this time hindi na sya naglilikot at nananatiling nakaupo at nanood na lang sya. nakakatuwa. pagtapos dumalaw kami sa bahay ng parents ni daniel, kasama rin si kyla. naglaro lang sya ng bubbles nya. this time binilihan ko sya ng electronic bubble blower, tuwang tuwa naman sya. anyway, after a while, si trinity, 1 yr old na pamangkin naman ni daniel ay hinatid ng ate ni daniel sa bahay ng mga biyenan. naghabulan sila ni kyla. nakakatuwang panuorin ang mga bata pag naglalaro at nasasayan sila.

lingo: sumama pakiramdam ko kaya naiwan na lang ako sa apartment. hindi na ako sumama kay daniel sa simbahan.

so anyway, yon na yon.

http://www.xanga.com/boeboepink/487965182/item.html --- magyayabang lang po ng konti.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home