Sunday, May 28, 2006

AN IMAGE FROM PHILIPPINE-AMERICAN WAR




"General Jacob H. Smith's infamous order, "Kill everyone over ten," was the caption in the New York Journal cartoon on May 5, 1902. The Old Glory draped an American shield on which a vulture replaced the bald eagle. Caption is: "Criminals because they were born ten years before we took the Philippines."

habang nagre-research ako ng philippine history, i came across this image. --- i dug it up and decided to shortly blog about it not to provoke anger or mistrust towards americans. i just thought that it's just one of the many examples of how people move on and forget. siguro hindi natin malilimutan ang holocaust incident. 6 million na mga hudyo afterall ang mga pinatay. indeed it is a larger scale of such atrocity towards humakind. pero mas maliit man ang numero ng mga batang pilipinong pinatay ng mga americano noong philippine-american war, bakit kaya nakalimutan na ng karamihan ang insidente na ito? curious lang ako.

at chaka, nabasa ko ito sa isang philippine history internet site:
"His (jose rizal's) death started a revolution under Andres Bonifacio. In 1898, United States won the war against Spain, and the Philippines declared its independence from Spain. Spain sold the islands to the United States. Emilio Aguinaldo was the first president of the Republic of the Philippines."

i'm sure na pilipino mismo ang sumulat nito. pero napansin nyo ba na hindi man lang na-mention ang philippine-american war pagkatapos ibenta ng mga espanol ang pilipinas sa america? parang hindi nangyari no? bakit kaya?

napaka-interesting. lahat ng tunkol sa historya ng pilinas: kung saan nanggaling ang mga ancestors at kung sino-sino ang nakainfluencia sa cultura. pero nakakapag-alala na masyado yatang malakas ang influencia ng mga taga kanluran (western). nakakapag-alala na baka makalimutan na ng mga kabataan ang tunay na cultura ng mga pilipino. westernized they say. westernized daw ang mga pilipino. kung westernized sila, and they're not anywhere from the west, then who and what really are they? identity crisis yata ang tawag don. minsan sa tingin ko parang hindi ako sigurado sa sarili kong identity. singkit ang aking mga mata pero espanol ang aking pangalan at lahat ng aking mga kamag-anak. medyo nao-offend pati ako pag tinatawag nila akong "americanized" dahil pag ang isang tao ay americanized ang ibigsabihin non eh nakalimutan na nya ang tunay nyang cultura. medyo nakaka-ilang pati pag nagsasalita ako ng tagalog at every other word ko ay english at parating nangangapa ng words ("ah, yung ano, ano bang tawag don?"). marami akong mga tanong at mga frustration tunkol sa aking cultura. pero hindi ko pa gaanong naso-sort out. i should blog about them some other time.

Tuesday, May 23, 2006

WEEKEND RECAP

ewan ko kung anong nangyari sa computer. ayaw i-load yung mga litrato na kinuha ko. sayang. pero ilo-load ko pag naayos ni daniel yung 'puter.

biyernes: pinanood namin ang da vinci code kasama ang pamilya ni daniel. ang nagustohan ko sa pelikulang ito ay yung adventure at mystery. kaya lang meron mga details na hindi gaanong naipaliwanag kaya may mga tanong na walang sagot pagkatapos ng pelikula. maganda rin yung pagkagawa pero hindi nag-live up to my expectations. sa tingin ko ay nadala lang sa "hype" at popularity ng libro ni dan brown. sa sobrang popular ng libro eh meron akong kilalang mga tao na normally eh hindi nagbabasa ng libro pero yung da vinci code binasa nila. hah! pop culture whores, is what i call these people. pero pagkatapos kong panuorin yung pelikula naisip ko na sana nabasa ko yung libro dahil talagang maganda, thought-provoking, at kakaiba yung storya. wala naman akong oras magbasa ng ibang libro kundi text books at self-help books lang. mas napipili kong magbasa ng medical type, non-fictional, at soul searching na libro kung magkaron man ako ng oras na magbasa. anyway, yon na yon. at oo nga pala, sa entrance ng sinehan na pinuntahan namin ay merong mga tao na nag-rally. meron silang salang placard na nagsasabing, "we love jesus christ. reject da vinci code." natawa lang ako. pakalabas namin ng sinehan eh wala na sila. sayang, gusto ko pa naman sabihin sa kanila na maganda yung movie.

sabado: nag-punta kami ni daniel sa k-mart at bumili ng mga bagay na para sa banyo namin. pagkatapos sinundo namin si kyla (pamangkin ko, 2 1/2 yrs. old) at nanood naman kami ng over the hedge(cartoon type movie). pangalawang beses ng nakanood sa sinehan si kyla. this time hindi na sya naglilikot at nananatiling nakaupo at nanood na lang sya. nakakatuwa. pagtapos dumalaw kami sa bahay ng parents ni daniel, kasama rin si kyla. naglaro lang sya ng bubbles nya. this time binilihan ko sya ng electronic bubble blower, tuwang tuwa naman sya. anyway, after a while, si trinity, 1 yr old na pamangkin naman ni daniel ay hinatid ng ate ni daniel sa bahay ng mga biyenan. naghabulan sila ni kyla. nakakatuwang panuorin ang mga bata pag naglalaro at nasasayan sila.

lingo: sumama pakiramdam ko kaya naiwan na lang ako sa apartment. hindi na ako sumama kay daniel sa simbahan.

so anyway, yon na yon.

http://www.xanga.com/boeboepink/487965182/item.html --- magyayabang lang po ng konti.

Sunday, May 21, 2006

TAGALOG POSTS FROM UPSAID.COM


Friday May 19, 2006
magandang weekend sa inyong lahat!


ano ba ang "weekend" sa tagalog? leche! and hirap pa naman makahanap ng tagalog online translator.

anyway, sana (hopefully?) meron photo (larawan) blog akong mai-i-share (maibahagi?) sa inyong lahat pagkatapos ng weekend (leche! ano ba kasi yon sa tagalog? nakakainis at hindi ko maalala).

o sige, inggat kayong lahat diyan!

Posted by boeboe at 4:55 PM - Comments [0]


Thursday May 18, 2006
anong gimmick ko sa viernes?



simple lang naman ang buhay ko; aral, trabaho, kain, at tulog lang ang "gimmick" ko sa buhay. paminsan-minsan lang ako nakikihalobilo sa mga tao. hindi ako maki-party, kun baga. pero depende naman yon sa mood ko.

panunuorin namin ang pelikulang da vinci code sa viernes pag-uwi ni daniel sa trabaho. sana wag sya gaanong magabihan sa pag-uwi para makapunta din kami sa barnes and noble o kaya sa borders (bookstores) pagkatapos naming manood ng sine. lumalabas kami twing viernes; yon ang tinatawag naming "date day." kadalasan simple lang ang date namin; nanood lang kami ng sine, kumakain sa labas, naglalakad sa ibat'ibang forest preserve park, o kaya sa ibat'ibang museums. minsan pag pagod o kaya tinatamad kami nagre-renta na lang kami ng dvd at umuorder ng pizza o chinese food delivery. pag labing-isang taon na kayong magkasama nakukuntento ka na sa simpleng date. syempre, pagkatapos ng labing-isang taon wala ng formalan o kunwarian. syempre sa umpisa lang yun. pero naa-appreciate din namin ang formal date pag especial ang okasyon (gaya ng anniversario or mga kaarawan); nanood kami ng broadway play (live theater) at kumakain sa restaurant na may romantic ambience. mga tatlo o apat na beses lang yon sa isang taon. pero naa-appreciate naman namin ang bawat isang date day namin, simple man o especial; dahil syempre kahit na anong oras/araw kayong magkasama para mag-connect eh dapat i-appreciate or pasalamatan. di ba?

(ano ba yan?! dalawang araw kong sinulat at in-edit tong entry na to ha)



this was from last week when we went for a walk at the forest preserve park close to our apartment at nakakita kami usa.


oo nga pala, cirque du soleil is going to be in town on july! ahhhhhhhh! alam mo ba kung ilan taon ko ng gustong makapanood ng cirque du soleil show at kung ilan beses kong na mi-miss and show dahil sa ka-busy-han ko?! so yeah, this time i am so there!!









Posted by boeboe at 1:42 PM - Comments [0]


Tuesday May 16, 2006
the semester's over. now what?


i just finished taking the test on inorganic chemistry. walang'ya, ang hirrapp! it took me 3 whole hours to finish it. lecheng conversions! don lang naubos oras ko. mr. P said he'll email me my score and my final grade sometime this week. i'm kinda anxious and nervous. matatahimik lang ako basta A ang final grade ko. oh please, please, please, sana please. my overall preliminary grade, so far, is 98.6. if i didn't do well on the final test it could bring my final grade down to a B+. 'wag naman sana. ang daming hirap dinanas ko just to maintain an A average sa lecheng clase na 'to. mabubwisit lang ako ng todo if my final test pulled my final grade down to a B. ugh! i so would totally hate that! anyway, i'm keeping my fingers crossed.

so, no more classes, no more books, no more teacher's dirty looks! no more enthalpy calculation, no more texas freaken' instrument calculators, no more hess' or dalton's law, no more periodic tables and stupid laboratory goggles ... well, only for a month anyway. but hey, i'll take that.

my agenda while school is out:

1. finish reading all 5 of my O magazine subscriptions. text books are the only kind of books i have time to read when i'm in school, oh and BBC/CNN over the internet and newsweek magazines ocassionally.

2. finish reading the self-help and health books na binili ko last year pa.

3. magbasa tunkol sa philippine history and politics (yeah, that's going to be hard to follow. politics, i mean).

3. linisin ang apartment.

4. mamasyal sa downtown chicago millenium park area like i've been planning to for a whole year now.

5. hang out w/ my niece, kyla; take her to the chicago aquarium and kids' museum.

6. plan las vegas trip w/ cintra. sana sa august. pero depende sa schedule namin. if not we'll settle for something local, like geneva or some crap. my class and work schedule suck!

7. look through our (daniel's and mine) combined finances and bills; and MAYBE plan the trip to puertorico. that's a big MAYBE; he just started working for a new company several months ago kaya he might not get enough vacation time.

8. pick up some overtime at work? ---- hell no!! who am i kidding? hindi pa ako baliw.

9. ...

... that's all i can think of for now.

update:



i found this brochure from the field museum under a pile of bills and junk mail while i was cleaning. and so yeah i'm going to see king tut while school is out. that's # 10 in my list of agenda.






oh, and # 11, i'm going to go and see the princess magogo performed by opera africa at the ravinia. interesting stuff.

also, i plan to check out at least 3 or 5 of the events listed in asian social network.
so there. lots of things to do, lots of things to see, and oh so little time.


Posted by boeboe at 11:35 AM - Comments [0]


Saturday May 13, 2006
ah, a possible new home for my mindless musings

so this upside blog site seems pretty cool. but i've only signed up for a 15 day trial, you know, just to test it out first. and if i still like it after a week then i might just move my xanga blog here. 2 dollars lang naman every month. fucking xanga, nakakaboring na. pero free. beggars can't be choosers, as the old saying goes.

so there, that's my very first entry on upside blog site. *yawn*

update: DECIDED NOT TO KEEP UP SAID BLOG.

Posted by boeboe at 12:52 PM - Comments [0]